BAHAGI NG SACRAMENTO, AMEN. ANG PERA SA AMIN!
Para sa gabos na katood kong Bikolnon asin sa gabos
Bakit kaya puro na lang Pamahalaan ang sinisisi, sinasabing kurakot, mga buaya at pating sa katihan. Bakit ayaw pulaan ang Simbahan na linta ng bayan. Papano ba ito sasagutin?
BAPTISM
Kapag wala kang pera bibinyagan ba ang anak mo? Papano ka magiging Kristiano?
Kaya pala maraming ninong at ninang na kinukuha para may taga-bayad?
Pag may binyagan nauubos perang inutangan, maraming nakikain sa handaan.
Noon si Kristo ay bininyagan ni Juan Bautista di naman hiningan ng bayad.
CONFIRMATION
Pagwala kang pera di ka makokompilan, dahil di ka kasama sa listahan.
Bakit sa school ginagawa ang kompil? Para maka-attend si Mayor?
Wala na ngang pambili ng uniform, papabilihin pa ng puting damit.
Bakit kailangan na magkaroon na naman ng ninong at ninang?
Blessed oil lang naman ang kailangan, bakit daming kailangan, si Hermana kasi?
COMMUNION
Bakit sinasabi ng mga pari uminom kayong lahat , bakit siya ang ang umiinom?
Pag-gustong ibahagi, sasabihin, huwag ubusin, isawsaw na lang?
Kaya puro na lang laman ang nasa isip ng mga tao dahil di makatikim ng dugo?
PENANCE
Bakit pinapayagan ang mga bayaran na magdarasal, tulad ng pa-novena at pabasa?
MATRIMONY
Ikakasal ka kaya pag wala kang pera? Kay Mayor na lang pagmalapit na ang halalan.
Ang Manila Cathedral ay para sa may kaya, kaya sa huwes na lang pumupunta?
Maraming papeles ang kailangan, maraming babayaran, kaya maraming live-in na lang?
ANNOINTING THE SICK
Ang sabi ”pagbabasbas ng may sakit” hindi yong naghihingalo, maraming schedule si padre kasi.
Pagnamatay at walang pera walang misa, walang bendisyon, sasabihin busy si padre.
Mabuti pa ang patay pinagkakaperahan pag todos los santos, may sakit di madadalaw.
HOLY ORDERS
Pagmahirap ka at nais maging pari? Humanap ka muna ng ninong at ninang.
Bakit di mga pari ang kinuha ni Jesus na mga disipulo? Kinuha mga taong may hanap-buhay.
Si Jesus ay nagbuwis ng kanyang buhay, bakit ang Papa may bullet proof na sasakyan?
Ang mga banal ba ay dapat sa palasyo nakatira habang mga Kristiano sa dampa?
Sacramento pa lang yan, ang misa ay maybayad, meron pang limos para sa mission at kung anon-ano pang pang collection. Pagwala kang pera di ka makakarating sa Langit hangang Purgatoryo ka na lang, at pagbabayarin na naman mga naiwan para ikaw ay makalaya. Amen.
Thursday, December 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I am trying to contact Jerry Adrados. Ben Escoto referred me to Jerry through this website. I'm trying to trace my roots in Bikol through a great grandmother, Salvacion Escoto, first wife of Hilarion Martinez of Naga. They had one child who passed away. Hilarion eventually moved to Manila. Please email me at doodsantos@yahoo.com
Dios mabalos.
Sala si enot na info na tinao ko. Salvacion Escoto was the MOTHER, not the wife, of Hilarion Martinez. Puede daw maaraman kun pa'no kami related ni Ben Escoto, su pinsan ni Jerry? Mabalos giraray.
Ang bautismo sa Simbahang Katoliko ay libre, maari kang magbigay ng abuloy pero ito ay dapat ayon sa puso lamang, walang pari ang maaring magreklamo ukol dito. Sa simbahang Katoliko, ito ay natural na ibinibigay ng isang Pari, Maari rin itong ibigay ng isang ordinaryong Katoliko at kung sa mga pagkakataon ng kamatayan, maaari itong ibigay kahit ng isang Di-nananampalataya, basta susunod sa 3 pamantayan ng validity
1. Dapat ay binibigkas ang " Binabautismuhan kita sa ngalan ng AMA, ANAK at Espiritu Santo
2. Dapat Tubig ang Gamitin pang bautismo, at bubuhusan sa ulo (3 beses) habang sinasabi ang AMA ANAK AT ESPIRITU SANTO
3. Dapat ang intensyon ng gumagawa nito ay ang intensyon din ng Simbahang Katoliko habang nagbibinyag
Ang sacramento ay libre, ngunit ang simbahan ay maaring tumanggap ng salaping abuloy, upang tustusan ang pangangailangan ng simbahan.
Kung ikaw ay may anak na gustong bautismuhan, ang paborito ko ay ang Edsa Shrine, dito ko pinabautismuhan ang 3 anak ko, ni singko,,hindi ako sinigil
Post a Comment